LGU Ramon, Isabela

"Aramid ti Pakakitaan"

owtor's nowt:

 Magdadalawang dekada na rin akong labas masok sa gusaling ito bilang empleyado. Tandang tanda ko pa nung unang araw ko dito, galing ako nun sa Maynila, pansamantalang huminto sa pag-aaral dahil nasagasaan ako ng bulutong tubig, nahiyang bumalik sa pag aaral dahil sa malalalim na bakas na iniwan ng delubyong "tongbuluts" sa aking mukha. nagkataon namang meeting ng mga ingat-yaman ng Isabela sa Magat Hydro Electric Power Plant, inimbita nila ako para tugtugan ang intermission number ng mga piling kawani ng lokal na pamahalaan, tandang tanda ko nun, naghandog sila ng awitin mula sa carpenters, ang "I have you"....   

Dahil dun, sinubukan kong ibulong kay Tiyong Geling, (Angelino F. Vizcarra) kasalukuyang alkalde ng bayan nun, ang layunin kong mapabilang sa pamilya ng LGU Ramon habang inaantay ang susunod na semestre.

Una akong isinabak sa palengke, tagahawak ng payroll ng mga laborers, timekeeper, at iba ba... ewan kung ano ang tawag sa akin nun, casual employee pero wala pang pormal na suweldo basta ang alam ko, tuwing me susuweldo ay inaabutan naman ako ni Tiyong ng Pera.

Madalas nagkukuwentuhan kami ng matanda, ni Tiyong Geling tungkol sa pamilya ko, madalas niyang ungkatin ang kwentong uncle nick at ang ate kong Felicia.  

Naikwento kong magaling akong debuhista, kaya muli, isinabak nya ako sa mismong gusaling ito bilang draftsman sa opisina ng MPDC.  Setyembre Uno nun 1991, at yun na ang opisyal na pag-labas masok ko sa gusaling ito hanggang sa kasalukuyan.

Simpleng empleyado.... yan ang maari kong ibansag sa mga tulad ko, sa mga kapwa ko empleyado, at sa lahat ng mga naririto sa gusaling ito. Kami ang mga masasayang tao tuwing dumarating ang akinse at katapusan, tuwing may hindi inaasahang biyaya mula sa pamahalaan, at tuwing nakakaraos sa mga bayaran.  

Simpleng empleyado na nangangarap na umangat balang araw, hindi man sa katauhan namin ngunit makapagbunga ng mga taong maghahatid sa dulo ng katuparan ng pangarap namin.

Ikaw, bilang simpleng empleyado, inaanyayahan kitang ibahagi sa mga taong nasa gusaling ito ang kakaibang kuwento ng buhay mo na magdudulot ng aral at saya sa tulad mo at tulad ko.

 

 

Google+ Web Search

Upcoming Events

No upcoming events

Recent Videos

521 views - 0 comments
1003 views - 0 comments

Quote of the Day

Quote of the Day