LGU Ramon, Isabela

"Aramid ti Pakakitaan"

Balita at Chizmax

view:  full / summary

BIYAYA: Lumagapak!

Posted by Felix V. Seriales, Jr. on December 2, 2009 at 7:14 PM Comments comments (1)

MPDC Office

Bakas sa mukha ng mga empleyadong palabas ng Treasury Office ang kakaibang ngiti at galak sa mukha. Hindi lamang sa ABS CBN me kulay ang pasko, kundi pati na rin sa mga kawani ng  Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Ramon. 


Ayon kay Gng Trinidad Duldulao, Statistical Assistant ng Planning and Development Office, Ang mga permanent employee na tulad niya ay nakatanggap ng halagang may kabuoang Labing Pitong Libong Piso (P 17,000.00), kung saan, Sampung Libo  (P10,000.00) na Extra Cash Gift at Pitong Libong (P7,000.00) Relief Assistance.  Ang mga Job Orders naman ay nakatanggap ng Limang Libong Piso (P5,000.00) bilang Emergency Relief Assistance.  Ayon pa kay Gng Duldulao, ang bahaging natanggap nito ay ibibili niya ng cellphone para sa kanyang munting negosyong "Load na dito" at ang ilang bahagdan ay inilaan niya para sa kanyang dalawang apo na sina Ysabella at Yves.


Ayon naman kay Ka Rolly ng nasabi ring Opisina, ang ilang bahagi ng kanyang natanggap ay idaragdag sa lagak na handog bilang passasalamat sa Panginoong Diyos.


Sari-saring destinasyon ang halaga na natanggap ng mga kawani ng LGU Ramon, ito na rin kasi ang panahon nilang makapundar ng mga gamit nilang asam, at higit sa lahat, isang masaganang pasko ang kahulugan ng may kaunting halagang hinahawakan.


Sa mga hepe ng Lokal na pamahalaan na pinangungunahan ni Mayor Wilfredo L. Tabag, maraming salamat po! mula sa mga SIMPLENG EMPLEYADO.




Rss_feed

Google+ Web Search

Upcoming Events

No upcoming events

Recent Videos

566 views - 0 comments
1056 views - 0 comments

Quote of the Day

Quote of the Day